Nilutong P2b loan sa Pasay umalingasaw sa city hall

KUNG nagbunyi kamakailan sa Pasay City ang libo-libong panatiko ni Manny “Pacman” Pacquiao dahil sa pagkapanalo nito laban sa suki na Mexicanong si Juan Manuel Marquez (kahit marami ang halatang di kumbinsido at isa na ang inyong lingkod), hindi nila alam na nitong nakaraang Huwebes pa lang ay nagbubunyi na ang “horse lover” na alkalde ng lungsod na si Mayor Tony Calixto, ang mga “tuta” niyang konsehal gaya nina Richard Advincula, Rey Padua, Bong Tolentino, Ian Vendivel, Tonia Cuneta, at mga “mapagkunwaring” miyembro ng oposisyon sa City Council na madaling “tapalan” ng pera, ang kanyang political adviser “kuno” na si Gardi Cruz, at ang espesyal na kontraktor na si Bing Tecson.

Ano ang dahilan at halos sabay-sabay na nagbunyi ang mga animal na ito sa loob ng conference room sa Office of the Mayor noong Huwebes ng hapon?

Mabilis pa kasi sa simoy ng utot ang ginawa nilang pagpirma sa isang loan contract mula sa pribadong bangko ng Philippine National Bank (PNB).

Tumataginting na halagang P2 bilyon ang nasabing loan contract na ngayo’y hawak ni Mayor Calixto.

Ayon sa espiya natin, halatang nagkakutsabahan ang grupo nina Calixto at ng mga oposisyonista sa Pasay City Council na pinangungunahan ni Vice Mayor Marlon Pesebre para isakatuparan ang pagpirma sa P2 billion loan contract sa PNB.

Bakit naman kaya nagmadali sina Mayor Calixto at ang City Council sa pagproseso sa kontrata ng utang gayong “financially stable” ang Pasay City katulad ng mga ipinagyayabang ng alkalde nu’ng mga nakaraang buwan?

Sa katunayan, ipinagbibida ni Mayor Calixto na ang dating pondo ng lungsod bago matapos ang taong-2010 na may halagang P2.7 bilyon ay tumaas pa ng P3.2 bilyon nitong
kasalukuyang taon.

Bunga raw ito ng ibayong pangongolekta nila ng buwis sa mga namumuhunan sa lungsod.

Napag-alaman natin sa mga source sa City Hall na malaya na pala ang lungsod sa mga pinag-kakautangan nito mula sa iba’t ibang financial institutions.

Walang utang sa kasalukuyan ang City Hall kung kaya’t isa ito marahil sa mga dahilan kung bakit gigil na gigil na mangutang ang mga opisyal ng lungsod.

Sa katunayan, nasa “top list” daw ng ilang mga bangko ang Pasay City dahil wala itong “standing obligations” o babayarin sa anomang financial firms. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply