NMIS sa publiko: Mag-ingat sa botchang ham, hotdog ngayong Pasko

BINALAAN ng National Meat Inspection Service ang publiko na suriing mabuti ang mga binibiling karne at mga process food gaya ng ham at hotdog na kadalasang inihahanda tuwing Pasko.

Ayon kay Atty. Jane Bacayo, executive director ng NMIS, mas mainam aniya na bumili ng mga ham at hotdog sa mga mall at mga branded na process meat dahil tiyak itong dumaan sa pagsusuri.

At kung hindi naman maiiwasan na bumili sa mga palengke, makabubuting hanapin ang NMIS inspection certificate para makatiyak na malinis ang mabibiling karne at mga process food.

Para maiwasan naman ang ham at hotdog na botcha, nagpakalat na si Atty. Bacayo sa mahigit 300 katao para magsagawa ng pagsusuri sa mga palengke.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply