‘No one can touch us’ – Bülbüloğlu

NAGSALITA na ang Turkish na mister ni Ramona Bautista na si Engin Tuna Bülbüloğlu na walang puwedeng gumalaw sa kanila sa Turkey lalo na sa kanyang misis.

Ito ay makaraang maging laman na rin ng mga pahayagan dun ang pagpatay kay Ramgen Bautista Revilla, kinasasangkutan ni Ramona.

Sa online article ng Hurriyet Daily News, nakasaad ang pahayag ng Turkish ni Ramona na si Engin Tuna Bülbüloğlu na puro bintang lang ang ibinabato kay Ramona at walang pwedeng gumalaw sa kanila. “Nothing will come out of this incident. Everything is merely made up of allegations. No one can touch us,” sabi ni Bülbüloğlu.

Nakasaad pa sa artikulo na aapela ang Filipino Ministry of Justice  sa Turkish authorities at sa Interpol na maglabas ng red bulletin para sa pag-aresto kay Ramona.

Ang panayam sa mister ni Ramona ay makikita rin sa website ng isa pang Turkish newspaper  na The Daily Vatan na may litrato pa ni Ramona at kinumpirmang nasa Istanbul nga ito.

Una nang inilagay sa blue notice list ng Interpol si Ramona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply