No VIP treatment kay Gloria – Judge Mupas

SINIGURO ni Pasay City RTC Judge Jesus Mupas na walang ibibigay na VIP treatment kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nahaharap sa kasong electoral sabotage sa kanyang sala.

Ang pahayag ni Mupas sa isang ambush interview ay upang maibsan ang pangamba ng ilang sektor bunsod ng pagiging dating lider ni Mrs. Arroyo.

Aminado naman ang huwes na ito na ang pinakamalaking kaso na kanyang nahawakan.

Aniya, gagawin na lamang n’ya kung ano ang nararapat at naaayon sa batas.

Samantala, bahagyang nagbago na rin ang pang-araw araw na routine ni Judge  Mupas lalo na sa isyu ng kanyang seguridad.

May mga lakad na rin kasi siyang dapat limitahan at laging nakaantabay sa kanya ang ilang bodyguard upang siya ay bantayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply