Nob. 23 gagawing ‘National Day to End Impunity’

NAGHAIN ng isang panukalang resolusyon si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan upang maideklara ang Nobyembre 23 bilang National Day to End Impunity sa harap ng paggunita sa madugong Maguindanao Massacre noong 2009.

“It’s been two years since the gruesome event and still our countrymen cry out for justice for the victims of the Maguindanao massacre. It was the worst single instance of electoral violence in our country’s history and the deadliest affront against freedom of the press,” ayon kay Pangilinan sa resolusyon.

Sinabi ni Pangilinan na itinuring ng international community na isa ang Pilipinas sa pinakamapanganib na lugar sa buong mundo para sa mamamahayag kaya’t hindi dapat kalimutan ang araw na itom nang ipakita ng pamilya Ampatuan ang pinakamalagim na manipestasyon ng impunity sa ating bansa.

Inihain ng senador ang naturang resolusyon matapos ideklara ng International Freedom of Expression Network ang Nobyembre 23 bilang International Day to end Impunity.

Dahil dito, muling iginiit ni Pangilinan ang panawagan sa Hudikatura at pulisya na tuluyan nang itigil ang malawakang pagpatay at pagtatangka sa buhay ng mga mamamahayag sa buong bansa.

“Until when will we have to wait for justice to be served? It is exactly this failure to solve all, save for a pitiful handful, of these murder cases, as well as an ineptitude in enforcing existing laws, that has bred this culture of impunity,” ayon kay Pangilinan.

Aniya, dapat gamitin ng pamahalaan ang lahat ng kakayahan nito upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima at mapabilis ang paglutas sa mga di naresolbahang kaso ng extrajudicial killings.

“Until then, let us never forget the date when this culture of impunity reared its ugly and deadly head, costing us the lives of 58 innocent civilians, including 32 media workers. We support the declaration of November 23 of every year as a National Day to End Impunity and we vow to never forget what this means for us,” aniya.

Kasabay nito, kinalampag ni Sen. Loren Legarda ang Hudikatura na pabilisin ang paglilitis sa lahat ng suspek sa pinakamalagim na krimen sa ating kasaysayan dahil nakikita ng senador ang usad-pagong na deliberasyon sa kaso.

“Ano pa ba ang hinihintay ng awtoridad kahit malinaw na natukoy kung sino ang mastermind at kung sino ang nag-utos sa karumaldumal na krimen bukod sa mga ebidensiya at testigong magpapatunay sa krimen,” ayon kay Legarda. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply