Nobyembre 23 pa ako nagbitiw – Paredes

KINUMPIRMA ni Defense spokesman Atty. Zosimo Paredes ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Sinabi ni Paredes na epektibo noon pang Miyerkules ang kanyang resignation at inamin na may iyon ay kaugnayan sa kanyang naunang pahayag hinggil sa revolutionary government.

Ayon kay Paredes, nais sana nitong personal na ipaabot ang resignation letter kay Defense Sec. Voltaire Gazmin pero hindi na sila nagpang-abot.

Nabatid sa isang DND opisyal ang nagsabi na magkakasama pa sila ng gabi ng miyerkules at katunayan ay pinalalahanan pa nito si Paredes kaugnay sa kanilang meeting para bukas subalit hindi na dumating ng Huwebes at sa halip ay driver na lamang nito ang dumating upang isoli ang service vehicle ng gamit ni USEC Paredes.

Ayon pa sa source, pinaaalis lamang sila ng Usec noong gabi upang tahimik na maghakot ng kanyang mga gamit at iwan ang kanyang resignation letter

Inamin ni Paredes na nagalit sa kanya si Gazmin at hindi nagustuhan ang kanyang pahayag na opsyon ng Pangulo ang pagdedeklara ng revolutionary government kung kinakailangan para maibalik ang kaayusan.

Iginiit naman ni Paredes na personal niyang opinion bilang law professor at hindi bilang tagapagsalita ng Department of National Defense (DND).

Una rito, dumistansya ang Malacañang sa nasabing pagbibitiw ni Paredes.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi pa nila natatanggap ang opisyal na report ng Defense Department hinggil sa status ni Paredes.

Ayon kay Valte, kung sakaling totoo, wala silang kinalaman at hindi pinilit si Paredes para magbitiw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply