Noise barrage ikinasa ng Piston vs oil price hike

NAG-AKLAS sa pamamagitan ng pagkakasa ng isang noise barrage ang militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) sa Quezon City kaninang umaga para i-protesta ang panibagong oil price hike.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang umikot ang mga opisyal at miyembro ng Piston at nagsagawa ng protest-rally sa harapan ng isang shopping center sa Cubao, Quezon City.

Kinondena rin ng grupo ang pagpalya ni Pangulong Benigno Aquino III para imbestigahan ang ulat ng pagtaas sa presyo ng oil companies at pag-aralan ding repasuhin ang oil deregulation law.

Nauna rito, sinabi ni Piston secretary-general George San Mateo na hindi nila sinusuportahan ang fare hike petition ng ibang transport groups.

Sa halip, sinabi ni San Mateo na ang Piston ay patuloy na itutulak ang pagbabasura sa value-added tax sa oil products at pag-aalis ng oil deregulation law.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply