Nolte pumapalag sa Visag Chess Open

DALAWANG Indian woodpushers ang pinisak ni Filipino International Master Rolando Nolte upang makisalo sa fourth to 21st spot ng nagaganap na Visag GM International Open Chess Tournament sa Swarna Bharathi, India kagabi (Nobyembre 28).

Pinaluhod ni former national junior standout Nolte si Rishi Sardana sa round 7 at pagkatapos ay isinunod si IM Ankit Rajpara (Elo 2349) sa round 8 upang isulong ang six points papasok ng round 9.

Nagbigay ng pawn at rook si No. 17 seed Nolte upang tapusin si Rajpara sa 35 moves ng Sicilian.

“Hindi ko hinayaan na masayang ‘yung advantage ko sa posisyon kaya ginamit ko oras ko para makita ko ‘yung best move,” sabi ni Nolte sa text message.

Makakaharap ni Nolte sa ninth round si ranked No. 5 GM Andrey Sumets (Elo 2569) ng Ukrain.

Nagsosolo sa unahan si top seeded super GM Abhijeet Gupta (Elo 2640) ng host country bitbit ang 7.5 puntos matapos talunin si Sumets sa eighth round.

Magkasalo sa second to third place sina Krishna C ng India at GM Marat Dzhumaev (Elo 2485) ng Uzbekistan.

Samantala, nalubog sa 68th place si no. 9 ranked GM Richard Bitoon (Elo 2515) na nakapagtumpok lang ng 4.5 puntos matapos mabigo kay No. 59 Narayanan S (Elo 2320) ng India. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply