Nolte tabla kay GM Sumets

NAUWI sa tabla ang laban ni Pinoy IM Rolando Nolte, (elo 2455) kay GM Andrey Sumets ng Ukraine matapos ang round 9 ng Visag GM International Open Chess Tournament sa Swarna Bharathi, India kagabi (Nobyembre 29).

Nakalikom si former national junior contender Nolte ng 6.5 puntos matapos ang 33 moves ng Nimzo-Indian defense kontra kay No. 5 seed Sumets (Elo 2569).

Sa 10th round, susulong ng puting piyesa sa board 5 si Nolte laban kay IM Lalith Babu (Elo 2484) ng India.

Kailangang maipanalo ni Nolte ang kanyang laban kay Babu upang mapaganda ang kanyang puwesto na ngayon ay nasa 10th to 21st place.

Nasa unahan pa rin si top seeded super GM Gupta Abhijeet (Elo 2640) ng India na may 8.0 points matapos makipaghatian ng puntos kay GM Marat Dzhumaev (Elo 2485) ng Uzbekistan.

Samantala, unti-unti namang umaahon ang inaalat na Pinoy woodpusher na si GM Richard Bitoon.

Pinisak ni No. 9 ranked Bitoon (Elo 2515) si Raju Nooka Malla ng India upang makaharap sa susunod na round si FIDE Master Maheswaran P ng nasabing bansa. May total na 5.5 puntos na si Bitoon. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply