NPA patay sa engkuwentro

NAPATAY sa naganap na engkuwentro ang isang miyembro ng New People’s Army nang makasagupa ang 58th IB Phil. Army sa Northern Mindanao Regional Command kahapon ng hapon (Nobyembre 13).

Ayon kay 4th ID Phil. Army spokesperson Major Eugenio Osias, nakasagupa ng grupo ni 2nd Lt. Jan Devaras ng 58TH IB ang mahigit kumulang sa 20 miyembro ng NPA sa Brgy. San Miguel, Gingoog City.

Sa ginawang  clearing operation, natagpuan ang bangkay ng isang NPA habang dalawang claymore mines, isang hand grenade, isang laptop at mga subersibong dokumento ang nakuha sa encounter site.

Nagsasagawa umano ng patrol operation ang mga sundalo nang makasagupa ang mga armadong rebeldeng NPA. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply