Number coding bukas kanselado – MMDA

KANSELADO bukas ang pagpapairal ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng lansangan sa Metro Manila dahil sa pagdedeklara ng piyesta opisyal.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, sinuspinde na rin ng Makati at Las Pinas City ang number coding kaya nangangahulugan ito na lahat ng sasakyan na ang plate number na nagtatapos sa 1 at 2 ay papayagang makabiyahe sa lahat ng lansangan.

Sa Martes ay muling ipatutupad ang number coding kaya ang lahat ng sasakyan na nagtatapos ang plaka sa 3 at 4 ay hindi papayagang tumahak sa mga lansangan sa Metro Manila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply