Number coding sa Metro Manila suspendido bukas

SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng “number coding scheme” sa mga behikulo sa Metro Manila dahil sa paggunita sa araw ni Gat. Andres Bonifacio, bukas Nobyembre 30, Miyerkules.

Sa kanyang mensahe sa Twitter account, sinabi ni Chairman Francis Tolentino na suspendido ang number coding dahil sa opisyal na holiday ang Nobyembre 30.

Ito’y makaraang hindi iusog ng Malakanyang ang paggunita ng Bonifacio Day na karaniwang ginagawa upang magkaroon ng mahabang bakasyon ang mga mangagawang Pilipino.

Ito rin ang tugon ni Tolentino sa pagdagsa ng mga tanong ng mga tinatawag na “netizens’ sa Twitter account ng MMDA.

Hindi naman malinaw sa MMDA kung walang ring number coding sa Makati at Las Piñas City na karaniwang hindi sumusunod sa aksyon ng ahensya dahil sa may sariling traffic schemes na ipinatutupad.

Dahil sa suspensyon, makabibiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila ang mga behikulong nagtatapos ang plaka sa number 5 at 6.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply