Numero unong Colombian rebel patay na

PATAY na si Alfonso Cano, 63, ang tinaguriang numero unong lider ng mga rebelde sa Colombia.

Kinumpirma ito ni Admiral Roberto Garcia, chief ng Colombian Navy, makaraang makabakbakan ng kanyang grupo si Cano at mga miyembro ng Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC) sa Cauca.

Ang pagkamatay ni Cano ay ikituwa naman ni Colombian President Juan Manuel Santos dahil si Cano ay itinuring niyang “the hardest blow” sa grupo ng FARC.

Pinabubuwag na rin ng Colombian President ang mga natitirang miyembro ng FARC dahil matutulad lamang aniya ang mga ito sa kinahantungan ng lider na si Cano.

Maliban kay Cano, napatay din ng mga sundalo ang apat pang rebelde at natimbog ang limang iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply