Nurse ng St. Luke’s nagpatiwakal sa Taguig

KINUMPIRMA ng Taguig City police na “suicide” ang resulta sa kanilang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng isang magandang nurse ng St. Luke’s Medical Center na natagpuang nakahandusay sa ground floor ng tinutuluyang condominium, Linggo ng madaling-araw sa Taguig City.

Sa naantalang ulat ng pulisya, nagpatiwakal at hindi pinaslang si Joanna Cristina Baltazar, residente ng Unit 6D 6th Floor, Florida Building, Tower 6 Forbeswood Heights, Global city, Fort Bonifacio, batay sa resulta ng pinagsanib na imbestigasyon ng pulisya at Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng security guard na si Jerwin Vinon dakong 1:14 ng madaling-araw sa ground floor ng tinutuluyang condominium, ilang oras bago siya nakitang balisa ng kanyang kasamang nurse sa tinitirhang Unit.

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni Taguig police chief Sr. Supt Tomas Apolinario na may mensahe sa cellphone na pag-aari ng dalaga na nagpapahayag na tinapos na niya ang pakikipagrelasyon sa isang Dr. Gregorio na posible umanong kasintahan ng dalaga.

Sa isa pang cellphone ng dalaga, may mensahe rin ang kanyang ina na nakikiusap na sabihin kung ano ang problema para siya makatulong.

Nakuha rin ng pulisya sa silid ng dalaga ang pitong gamit ng pang-ineksiyon (syringe), duguang bulak at ilang wala nang lamang gamot na ginagamit sa surgical operations.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply