O ano na ang nagaganap sa giyera patani sa pulitika?

NAG-IINIT, umuusok ang mga wetpu ng mga nagbabanggaang pulitiko ngayon.

Magkadikit ang mga ligal na aksyon laban sa isa’t isa kahapon ng hapon.

‘Yun bang === may sumbong sina Aling Gloria at esposo nitong si Mike sa Korte Suprema laban sa mag-among sina PNoy at Leila de Lima samantalang binokya sa Allow Departure Order (ADO) ng huli ang una.

Maaga yatang naamoy nina Gloria at Mike ang desisyon nina PNoy at Leila ukol sa ADO kaya agad silang pumunta sa Korte Suprema para hilinging ideklarang iligal at labag sa Konstitusyon ang kawalan ng ADO nina PNoy at Leila.

MATATAGAL ANG LABANAN

Ang mangyayari ngayon, mga Bro, ay tiyak na magtatagal ang labanan sa usaping makalalabas ng bansa sina Gloria at Mike o hindi.

Aasahan na natin na mag-iisyu sina Chief Justice Renato Corona ng kautusan na sumagot sa loob ng 5-10 araw sina PNoy at De Lima.

‘Yan ay kung isinama nina Gloria at Mike si PNoy sa sumbong.

Kung hihiling sina PNoy at De Lima ng extensyon of time sa pagsagot makaraan ang 10 araw, may ibig sabihin na yan.

Kumbaga sa basketball, kung inaakala nina PNoy at De Lima na mananalo sila sa last 3 seconds, patatagalin nila ang pag-dribble at pagpasa ng bola para abutan ng oras ang laban.

Presto, panalo sila.

At lalong panalo sina PNoy at De Lima kung magtatagal at aabutin ng siyam-siyam ang Korte Suprema sa paggawa ng desisyon sa ADO.

PANALO KUNG MAY KASO

Kung may maisasampa na kaso sina PNoy at De Lima sa korte, sabihin nating Sandiganbayan, diyan sila tiyak na panalo.

Dahil kung may makikitang probable cause ang korte laban kina Gloria at Mike, ang korte na ang magdedesisyon ukol sa ADO.

BUHAY NA BUHAY SI PILATO

Pero ang tunay na panalo nina PNoy at De Lima ay yung hindi na sila masisisi nina Gloria at Mike.

Mag-iistayl Poncio Pilato sila at sasabihin nilang hindi sila ang sumagka sa karapatan nina Gloria at Mike na bumiyahe kahit saan sa loob at labas ng bansa kundi ang korte.

PATAY SINA PNOY AT DE LIMA

Halimbawa namang may nangyaring masama kahit kay Gloria lamang dahil sa pagsopla sa kanya at sa kanyang dyowa na makalabas ng bansa, patay sina PNoy at De Lima.

Ipagpalagay nating lalala ang sakit ni Gloria o kakawayan siya ng may dala-dalang kalawit, ewan na lang natin kung ano ang mangyayari.

Kasi naman, hindi pa napatutunayan ang pagkakasala ng magdyowang Arroyo, eh, niyayari na sila.

Ewan natin kung makukuha pa sa kasuhan sa korte ang problema.

LALONG PATAY SILANG DALAWA

Ang isang malaking aabangan ng mamamayan ay kung ano ang magiging desisyon ng Korte Suprema.

Kung sinabi nina Chief Justice Renato Corona na tumpak sina Gloria at Mike, lalong patay ang mag-amo.

Sa Konstitusyon kasi, may kalayaan ang bawat isa sa atin na maglakbay palabas at papasok ng bansa.

Bagama’t sinasabing hindi naman ito nakataga sa bato dahil may mga pasubali, hindi umano pasok sa pasubali o exception sina Gloria at Mike.

Isa pa, sinasabing hindi pupuwedeng baluktutin ng isang circular lang ng DOJ ang itinatadhana ng Konstitusyon.

Isang circular o patakaran ng DOJ ang pinagbatayan nina PNoy at De Lima ng pag-deny ng hiling sa ADO nina Gloria at Mike.

Ito rin ang ginamit nina Gloria sa pagharang na makalabas ng bansa ang mga “suwail” sa kanilang panahon.

MAY PROBLEMA SI LEILA

Pilit na inihahabol nina PNoy at Leila na palabasing guilty kahit ngayon pa lang sina Gloria at Mike.

Pero malaki ang problema nila dahil hindi yata ganito ang pagtingin ni Madam Conchita Morales sa Ombudsman.

Sa dinami-rami ng kaso na naka-file na ngayon sa Ombudsman, wala pang dinadala nina Madam Conchita sa Ombudsman.

Ang tanong ngayon ay kung sasabay o hindi si Madam Conchita sa gustong mangyari ng mag-among PNoy at Leila na madaliin ang pagdidiin o pagkakaso sa mag darling na sina Gloria at Mike.

POLL SABOTAGE IHAHABOL

Ang pinanghahawakan nina PNoy at Leila na posibleng maihabol sa Ombudsman ay ang election sabotage na iniimbestigahan ng DOJ at Comelec.

Pero ewan lang natin kung maitutuwid nila ang imbestigasyon sa tamang oras.

Hindi ba sinasabing nahihirapan ang DOJ at Comelec sa pagdadawit ng direkta kina Gloria
at Mike sa krimen na wala umanong piyansa?

Kung ito ang inaasahan nina PNoy at Leila para maigiit ang pagpapawalang-saysay sa hiling na ADO ng mga Arroyo, ewan natin kung ano ang mangyayari.

Kasi, kung nahihirapan mismo sina Leila at Sixto Brillantes sa pagdidiin kina Gloria at Mike, eh, di lalong mahihirapan si Madam Conchita kung nakarating sa kanyang tanggapan ang kasong election sabotage?

KUDETA

Habang nagkakandahilo-hilo at nililito-lito ng mga pulitiko at mga abogado ng mga  ito ang mamamayan, may mga bali-balita namang umuusok ang isang kudeta.

Bagama’t binabalewala ito, maganda na ring silipin kung anong klaseng usok ito.

Baka mayroon ngang apoy na pinanggagalingan ng usok ng kudeta.

Anak kayo ng kudeta naman!

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply