Obispo tutol sa live coverage ng trial ni GMA

MAPUPULITIKA lamang ang ang kaso ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria macapagal-Arroyo kapag isinahimpapawid pa ito.

Ito ang inihayag ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Cannon Law sabay tutol sa panukalang isapubliko o i-media ang pagdinig sa kasong electoral sabotage na kinakaharap ngayon ni dating Pangulong Arroyo.

“Hindi kailangan ang live coverage.The court proceedings should be in the court so that the real issues could be discussed there and could be tried well. Kasi kung i-broadcast yan, maraming considerations, you have to consider the viewers. You have to consider the audience na posibleng makakaabala sa pagdinig. The real proceedings must be done in court. At ang masaklap dyan ay it can be used as a campaign for political purpose!”- bahagi ng pahayag ni Bishop Medroso sa panayam ng Radyo Veritas!

Pabor naman si AMRSP chairperson Sister Mary John Mananzan na isapubliko ang kaso ni Gng. Arroyo.

Ayon kay Sister Mananzan na dapat lamang na gawin ito upang malaman ng publiko ang katotohanan sa pagkakasangkot ng dating Pangulo sa dayaan noong 2004 at 2007 elections.

“Yes pabor ako dyan na i-broadcast ang kaso ni CGMA. Di ba kay erap noon? Bakit sa kanya hindi puwede?! Di ba nanood tayo kay Erap noon sa TV at nakinig sa radio. Bakit si Erap ay puwedeng ganunin? Bakit siya hindi! “- bahagi ng pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam ng Radyo Veritas!

Umaasa ang madre na mapapanagot sa lalong madaling panahon ang dating Pangulo hindi lamang sa kasong electoral sabotage kundi sa iba’t ibang kaso ng katiwalian.

Gayunman, nilinaw nito na hindi kailangan makulong sa bilangguan ang dating Pangulo.

“As a human being ay nakikisimpatya ako sa kalagayan niya ngayon na may sakit siya. Pero ang ibig kung sabihin ay panagutin ang kailangang managot sa lalong madaling panahon! Hindi ibig sabihin na porket maysakit ang tao ay hindi na patutunayan kung guilty siya o hindi. I think that has to go through with all our sympathy and compassion sa kalusugan niya ngayon. Sana lang dumalo siya.

Sinabi pa ng madre na kung inosente ang mga Arroyo mahalagang dumalo sila sa pagdinig. Ito na rin aniya ang panahon para ipagtanggol nila ang kanilang sarili kung wala nga silang kinalaman sa nasabing election fraud.

“It’s a high time also for her para idepensa at ipagtanggol ang kanyang sarili!” ani pa Sr. Mananzan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply