Obrero, nangulila sa misis na OFW, nagbigti

DAHIL sa matinding pangungulila sa misis na nasa ibang bansa, isang construction worker ang nagbigti sa Aklan kaninang umaga, Noyembre 15.

Ang 38-anyos na biktima na hiniling ng pamilya na huwag ibinunyag ang tunay na pangalan ay taga-Barangay Old Buswang, Kalibo, Aklan.

Gumamit ang biktima ng makapal na lubid na siyang ipinalupot sa kanyang leeg bago itinali ang dulo sa kanilang biga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang krimen dakong 7:30 ng umaga sa mismong kuwarto ng biktima.

Tinangka pang isalba ng mga kamag-anak ang biktima sa pamamagitan ng pagtanggal sa pagkabigti nito ngunit nalagutan din ng hininga.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala naman silang napansing kakaiba sa ikinikilos ng biktima maliban na lamang sa laging nababanggit nitong nami-miss niya ang kanyang misis na isang overseas Filipino worker.

Napag-alaman din na ikinasa ng biktima ang pag-suicide matapos ihatid ang apat nitong anak sa paaralan.

Inaalam naman pa ng pulisya kung may foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply