Obrero patay sa riding in tandem

NAMATAY ang isang obrero makaraang pagbabarilin ng armadong riding in tandem kaninang madaling araw sa General Santos Ctiy.

Dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo at likuran namatay noon din ang bikitma na kinilalang si Rodolfo Subibi, 28, isang laborer sa Makar Wharf at residente ng Purok San Roque, Barangay Labangal.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naglalakad ang biktima bandang alas-4:00 ng madaling araw sa Purok Silway Fatima nang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Agad na tumakas ang dalawang suspek matapos ang krimen habang blangko ang pamilya ng biktima sa motibo ng pagpatay dito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply