OFW ban sa 41 bansa ok lang

MATIBAY ang paninindigan ni Valenzuela City 1st District Rep. Rex Gatchalian na walang kapalit o kabayaran ang buhay at kaligtasan ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

Suportado ko si Cong. Rex at iba pang mga opisyal ng pama-halaan gaya nina Administrator Carlos Cao ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Vice President Jejomar Binay sa paniniwalang ito.

Para sa akin ay for-ward looking ang batas na ito na naglalayong pangalagaan ang interes ng ating mga mamamayan bago pa man sila magkaroon ng problema sa mga bansang pinagtatrabahuhan nila.

Iyon nga lang maraming sektor ang umaangal sa resolusyong ipinalabas ng POEA na kung saan ay nandoon ang listahan ng mga bansa na kung saan ay hindi maaaring magtrabaho ang mga Pinoy.

Base sa resolusyon ay non-compliant o hin-di sumusunod sa labor laws natin ang mga bansang kasama sa listahan kaya wala ding maasahang proteksyon ang mga manggagawa natin doon sakali at magkaroon ng bulilyaso.

Nakasaad kasi sa Section 3 nang RA 10022, na siya namang nag-amyenda sa RA 8042 na mas kilala sa tawag na Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, na dapat ay lumagda sa isang kasunduan sa ating pamahalaan ang alinmang bansa na nais kumuha ng serbisyo ng ating mga manggagawa.

Layunin ng kasunduan na bigyang katiyakan ng host country ang proteksyon at seguridad ng ating mga OFW sa sandaling magtrabaho na ang mga ito sa kanilang bayan.

At dahil isa nga sa mga advocacy ni Gatchalian na bigyang proteksyon ang mga OFW at mga pamilya nila, ay super aprub sa kanya ang hakbang na ito ng POEA. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply