OFW ban sa 41 bansa okay lang (2)

NAKASAAD sa Section 3 ng Republic Act 1022 na siya namang nag-amyenda sa RA 8042 na mas kilala sa tawag na Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 na dapat ay lumagda sa isang kasunduan sa ating pamahalaan ang alinmang bansa na nais kumuha ng serbisyo ng ating mga manggagawa o overseas Filipino worker.

Layunin ng kasunduan na bigyang katiyakan ng host country ang proteksyon at seguridad ng ating mga OFW sa sandaling mag-trabaho na ang mga ito sa kanilang bayan.

At dahil isa nga sa advocacies ni Gatchalian ay bigyang proteksyon ang mga OFW at mga pamilya nila, ay super aprub sa kanya ang hakbang na ito ng POEA.

At dahil nangangalaga rin si Binay ng kapakanan ng OFWs ay payag din siya sa pagbabawal na ito.

Ang problema nga lang ay maraming grupo rin ang umaangal sapagkat nag-aalala sila na maaring marami ang maapektuhang migrant worker natin dahil sa pagbabawal na ito.

May mga grupo na nagsasabi na malamang na magresulta sa human trafficking o di kaya naman ay mas maraming bilang ng illegal worker dahil malamang na umalis pa rin ang mga manggagawa kahit kasama sa listahan ang mga bansang pupuntahan nila.

Sa kasalukuyan ay tinatayang nasa 9-12 milyong OFW ang nagtatrabaho sa kasalukuyan sa halos 203 bansa.

Pero kung ako ang tatanungin ay responsibilidad ng pamahalaan na bigyang proteksyon ang bawat isang kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa.

At magagawa lang ng ating pamahalaan na pangalagaan sila kung may mga batas at kasunduan na magagamit sa mga pagkakataong kailangan ito.

Minsan ay kailangang magsakripisyo tayo ng kaunti para naman mabigyan natin ng dignidad ang ating lahi bilang mga Filipino at hindi iyong nagtitiiis na lang tayo lagi na apihin at apakan kapalit ng kaunting dolyar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply