OFW nagbigti sa Saudi pinaiimbestigahan ng DFA

PINAIIMBESTIGAHAN ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang umano’y pagpapakamatay ng isang 22-anyos na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng kanyang tirahan sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa ngayon, blangko pa ang pamilya ng nasabing OFW sa tunay na motibo ng pagkamatay nito.

Base sa ulat ng Migrante-Middle East, Nobyembre 1 nang matagpuang patay ang biktima na nakaluhod at nakapulupot sa kanyang leeg ang shoe lace na nakabitin sa door knob ng kanyang kuwarto.

Nabatid na taong 2009 nang pumunta sa Saudi ang biktima upang magtrabaho bilang mekaniko sa isang car shop sa Gadeem Sinaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply