OFW remittance lumakas ngayong 2011

IPINAHAYAG ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patuloy na lumalakas ang pagpasok ng remittances ngayong 2011 ng mga overseas Filipino workers (OFW).

Batay sa ulat ng BSP, bagama’t mabagal ang takbo ng ekonomiya ngayong taon, positibo ang pananaw ng mga negosyante ngayong Pasko.

Nabatid na sa unang siyam na buwan ng taon, lumagpas na ito sa P14 bilyon kumpara sa nakalipas na taon.

Ayon sa BSP, ito ang dahilan kaya positibo ang pananaw ng mga negosyante sa bansa ngayong magpa-Pasko.

Umaasa rin ang BSP na hanggang sa unang bahagi ng 2012 ay magiging positibo pa rin ang pananaw ng mga negosyante at uunlad ang ekonomiya ng bansa. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply