OFWs na sobra na sa kulong, nagpapasaklolo

DAHIL sa kawalan ng aksyon ng kasalukuyang administrasyon, nagpasaklolo na ang mga nabilanggong overseas Filipino worker (OFW) na napagsilbihan na ang sentensiya subalit nananatili pa rin sa kulungan.

Ayon kay John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante Middle East (M-ME), mahigit 20 nabilanggong OFWs sa Saudi Arabia na napagsilbihan na ang sentensiya ang hindi pa rin makauwi sa Pilipinas dahil walang tinatanggap na ayuda mula sa Assistance to the National Section (ANS) ng embahada ng Pilipinas.

Kabilang na aniya rito si Regoberto Gaspar na walong buwan nang nakapiit sa Al-Ha’er jail sa Riyadh gayung limang buwan lamang ang hatol sa kanya matapos makumpiskahan ng dalang alak.

Nakatakda na sanang bumalik sa bansa noon pang Oktubre 24 si Gaspar upang makapiling ang pamilya sa nalalapit na Kapaskuhan subalit muling dinala sa piitan dahil paso na ang kanyang airplane ticket. Tumawag umano si Gaspar sa ANS subalit pinagkaitan siya ng tulong.

Sinabi ni Monterona na bukod kay Gaspar, may 20-pa mula sa 77 OFWs ang overstaying na sa naturang bilangguan matapos mapagsilbihan ang sentensiya subalit hindi pa makauwi dahil walang natatanggap na kaukulang tulong sa pamahalaan.

Natuklasan din ng grupo na mahigit sa 120 pang OFWs ang nakabilanggo sa Malaz jail at 40 sa mga ito ang naayos na ang mga kaukulang dokumento subalit naghihintay pang mailabas ang kanilang deportation papers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply