OFWs pinayuhan ni Sen. Villar na magnegosyo

PINAYUHAN ni Senador Manuel Villar ang mga overseas Filipino workers na mamuhunan at patatagin ang  pagnenegosyo.

Ito ay matapos na dumugin ng OFWs at kanilang mga kamag-anak ang kauna-unahang OFW and Family Summit 2011 na may temang, “Kabuhayan Para sa Kinabukasan” na inilunsad ng Villar Foundation at GoNegosyo na idinaos sa World Trade Center ngayon.

Ayon kay Senador Manny Villar, chairman ng Villar Foundation, ang taunang summit ay pagpapahalaga sa mga OFW na patuloy na nagpapasigla sa ekonomiya ng bansa.

Aniya, hindi sapat na tulungan lang silang mapauwi kung nagkakaproblema sila sa abroad kung saan mahalaga na mabigyan sila ng kaalaman kung paano palalaguin ang kanilang pera.

“Ang aktibidad na ito ay ginawa para sa mga OFW at kanilang pamilya kaya siniguro natin na ang lahat ng aspeto ng summit mula sa mga exhibitors, tagapagsalita at oportunidad pangkabuhayan ay para sa kanilang kapakinabangan. Umaasa tayo na makakapulot ang mga OFW at kanilang pamilya ng samu’t saring kaalaman sa pagsasarili,” wika ni Villar.
Iba’t ibang business ideas naman tungkol sa franchising at direct selling ang natutunan ng mga OFW mula sa mga exhibitor.

Nagpa-raffle rin ng house and lot mula sa Camella Homes ang Villar Foundation samantalang Swift and Kettle Corn cart business ang ipinamigay ng NoGegosyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply