Okey na ang dagdag pondo sa kalusugan

PINAGTIBAY na ni Pangulong Noynoy Aquino ang karagdagang pondo para sa sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng mamamayang Filipino, ayon kay Executive Secretary Jojo Ochoa.

Ang naturang pondo ay gagamitin para sa pagkuha ng mga tauhang pangkalusugan at pagsasaayos ng mga pangkalusugang pasilidad sa gobyerno.

Sinabi ng kalihim na aabot sa P7.1 bilyon ang inilaang pondo para sa Health Facility Enhancement Program para lalong mapagbuti ang serbisyo sa rural health units, health stations at mga ospital na pinamamahalaan mismo ng Department of Health.

Bukod pa raw dito ang P2.5B para lalong mapag-ibayo ang serbisyo ng mga ospital ng gobyerno na tulad ng Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center at marami pa na pinamamahalaan ni Dr. Eduardo Banzon.

Ayon pa kay Ochoa, kasama sa pondo ang pagdaragdag ng 12,000 nurses sa RN Heals.

Bago umupo si Dr. Banzon sa PhilHealth ay milyon-milyong kasapian ang nadaGdag sa beneficiaries ng ahensiya.

At umaasa si PNoy na lalo pa itong madaragdagan sa liderato ni Dr. Banzon.

Hari ng masiba nasa MPD-PS1 na

Kamakailan lang ay nagkaroon ng mild-reshuffle sa Manila Police District (MPD).

Kabilang sa mga naapektuhan ng reshuffle ay ang PS1 na dating pinamumunuan ni Supt. Wynn Marcos at pinalitan siya ni Supt. Rolando Tumalas.. este Tumalad na dating nasa Mobile Patrol Division. Maliit na presinto lang ang PS1 pero sandamakmak naman ang nakukuhang kabuhayan o pagkakaperahan mula sa vices at iba pa.

Kaya masuwerte si Tumalas dahil naging station commander siya ng PS1 lalo na kung ang inyong tong-collector ay sina ex-police Rene Oyabak at PO3 R. Duran.

ABANGAN.

***

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply