OMB: ‘Wag piratahin ang Pacquiao-Marquez fight’

UMAPELA ngayon ang chairman ng Optical Media Board na si Ronnie Ricketts sa mga negosyante na huwag piratahin ang laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa darating na Linggo (Nobyembre 13, petsa sa Pilipinas).

Ginawa ni Ricketts ang apela matapos ang isinagawang raid sa pagawaan ng mga piniratang DVD sa Quaipo, Maynila.

Sinabi ni Ricketts na pagpapakita ng suporta kay Pacquiao ang hindi pagpirata sa laban nito kontra Marquez.

Natuwa naman si Ricketts na makita na wala na ang lantarang bentahan ng mga piratang DVD sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply