‘One Day, One Bay’ ng DILG simula ngayon

KAUGNAY ng “One Day, One Bay Metro-wide Waterways Clean-up Day”  na bahagi ng “Manila Bay OK Campaign”  sa ilalim ng “Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Project” ng DILG-NCR, ang mga pamahalaang lokal sa buong Maynila ay sabay-sabay na magsasagawa ng paglilininis ng daluyan ng tubig (waterway) sa kani-kanilang komunidad ngayong araw.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng DILG-NCR, mayroong tinatayang 33,733,333 MPN/100ml “coliform count” na natagpuan sa sampol ng tubig na kinuha sa bahaging Luneta ng Manila Bay. Ang pagdami ng bilang ng nasabing  makapaminsalang organismo ay dulot na walang habas na pagtatapon ng mga basura sa daluyan ng tubig na naiaanod sa Manila Bay. Isa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng nasabing basura ay ang mga 677,684 kabahayang nakatayo sa gilid ng estero, pampang ng ilog at dagat at ilalim ng tulay (informal settlers) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Sa Parañaque City, ang paglilinis sa araw na ito ay isasagawa sa Villanueva Creek sa Brgy. San Isidro.

Iniuuugnay ni DILG Parañaque Director Agnes Bandilla ang pag-aalis ng mga basura sa naturang daluyan ng tubig ay tulung-tulong na isasagawa ng mga kawani ng pamahalaang lungsod, pinangugunahan ng mga taga-Solid Waste and Environmental Sanitation Office (SWAESO) at Engineering Dept; tauhan ng Pamahalaang Barangay ng San Isidro na pinamumunuan ni Brgy. Chairperson Eusebio Japlos; mga kasapi ng Ang Dating Daan (religious movement); at mga residente ng lugar.

Maliban sa mga tao (manpower support), si Parañaque Mayor Florencio Bernabe, Jr. ay magpapadala din ng mga kagamitang panlinis, suplay tulad ng “garbage bags”, gamit proteksyon tulad ng gwantes, mga trak panghakot, espesyal na makina tulad ng mga “mini-payloader” , “Spider Walking Excavator” at mga bangka at lantsa (watercrafts).

Magtatalaga din ang pamahalaang lokal  ng “fire protection and medical teams” sa lugar. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply