Onli in da Pilipins: 9-9 ang katarungan

KAILAN kaya matatapos ang kasong Maguindanao massacre?

Nagtatanong tayo, Suki, dahil kinakabahan tayo sa lakad ng katarungan sa ating bansa.

Hindi lang mas mabagal pa sa pagong ito kundi puno ng kabaligtaran ang resulta sa inaasahan ni Juan.

Wataymen, ‘di porke nasampahan na ng kaso ang isang suspek sa katiwalian,

pang-aabuso, masaker, murder at iba pa, eh, magiging gilti na siya sa huli.

oOo

Kapain natin ang ilang mahahalagang kaso.

Kabilang sa mga pinakahuling dinesisyunan ng hukuman ang nakaw na yaman umano ni Geronimo Velasco na sinasabing kroni ni Manong Ferdie.

Bilib it or nat, Suki, inabot ito ng 24 taon sa Sandiganbayan.

Eh paano kung umakyat pa ito sa Court of Appeals at Korte Suprema?

Itong kaso naman nina Hubert Webb ay umabot sa Korte Suprema at inabot ito ng 19 na taon.

Itong si Velasco ay kinamatayan na ang kasong katiwalian samantalang kinatandaan na rin nina Hubert ang murder case.

Ang isang punto rito ay iilan lang na katao ang sangkot sa mga kasong ito ngunit ganyan ang nangyari.

oOo

Ngayon, Suki, silipin natin ang Maguindanao masaker na may 200 kataong suspek.

Iilan pa lamang sa kanila ang nababasahan ng demanda samantalang yung iba ay nakakulong pero wala pang linaw kung  masasama  sila  sa kaso o hindi.

At ngayon ay kitang-kita kung gaano kabagal ang takbo ng pagdinig.

Hindi kaya aabutin ng 100 taon ang kaso?

Baka naman patay na ang lahat ng mga suspek o akusado, eh, hindi pa tapos ang kaso.

O tumanda at patay  na ang mga biktima ay hinihiring pa ang kaso!

Aanhin pa ang kabayo kung patay na ang damo?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply