Online voting sa OFWs aprub na sa Comelec

TIWALA ang Commission on Elections (Comelec) na mas magiging malaking tulong ang internet voting para mapataas ang bilang ng mga boboto sa overseas absentee voting (OAV).

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, inaprubahan na Comelec ang pagsasagawa ng online voting para sa overseas Fiipino workers (OFWs).

Dagdag pa ni Jimenez, mas praktikal ang online polls sa mga Pinoy na nagtratrabaho sa ibang bansa na malayo sa mga itinalagang voting center.

Paliwanag pa nito, karamihan sa mga kababayan natin ay tamad nang bumiyahe para lamang bumoto dahil sa layo ng kanilang lalakbayin kaya mas mabuting idaan na lamang sa internet voting ang kanilang pagboto.

Hindi naman aniya ito magkakaproblema dahil noong 2007 ay nasubukan na rin ito at naging matagumpay naman ang testing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply