Operator ng perya sa Valenzuela City hawak na ng awtoridad

HAWAK na ng  awtoridad ang operator ng perya sa Karuhatan, Valenzuela City at tatlong tauhan nito kaugnay ng aksidenteng naganap noong Miyerkules ng gabi (Nobyembre 9) kung saan namatay ang isa at ikinasugat ng iba pang sumakay sa catterpilar ride.

Sinabi ni Delia Montero sa Valenzuela Police na caretaker lamang siya at itinuro ang isang Ariel Cudia ang siyang may-ari umano ng 3 Angel’s Amusement Game.

Pagpapaliwanagin ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang kapitan ng Barangay Karuhatan na may sakop sa Pablo Street kung bakit itinayo ang peryahan sa lugar na kanyang nasasakupan.

Ayon kay Public Information Officer Anna Mejia, aalamin nila kay Barangay Chairman Nicodemus Cacu kung paano nakapagpatayo at nakapag-operate agad ang peryahan gayong wala umano itong hawak na business permit at permit to operate.

Sinasabing nagpalabas ng kasulatan si Cacu na nagsasaad na may binayarang P50,000 sa barangay ang may-ari ng peryahan bilang renta sa lupa.

Matatandaang isa ang namatay at marami ang nasugatan matapos kumalas sa riles ang caterpillar ride.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply