Opisyal ng PDEA (2) magaling na boksingero

PAMBIHIRA talaga, iba ka talaga Ret. Gen.  Pedrito Magsino, nag iisa ka lang na ganyan at sana lang ay huwag kang pamarisan ng iba nating opisyal.

May suggestion ang  mga  taga-PDEA, bakit daw hindi mo na lang iuwi sa inyo ang mga sasakyan na naka assign sa RO-NCR para sa ganun ay hindi ka na mag-isip kung nasaan ang mga susi
nito.

Kaya pala wala pang search warrant na nakukuha ang RO-NCR dahil papano nga naman lalakad ang iyong mga operatiba kung wala man lang silang panggastos at walang magamit na sasakyan?

Minsan daw ay nag-courtesy call itong si Ret. Gen. Magsino sa  mga Mayor ng Antipolo at Taytay noong nakaraang Linggo, pagkatapos daw  ng courtesy call ay dali- dali raw nitong niyaya ang kanyang mga escort at body guard na umalis at doon na lang daw kumain ng pananghalian  sa  kanilang tanggapan sa Quezon City.

Dahil dilat na ang mata sa gutom ang ilang escort/bodyguard nitong si Ret. Gen. Magsino ay minabuti nilang umiba ng daan  para makakain man lang sa isang karinderia.

Ret. Gen, Magsino, Sir, hindi naman siguro bago sa inyo ang magkaroon ng escort/ bodyguard dahil isa kayong dating Heneral, at siguro rin po ay alam niyo na kailangang pakainin din sila ng libre kapalit ng pagseserbisyo sa inyo.

Paano po kayo maipag-tatanggol ng inyong mga escort/bodyguard kung ganyang ginugutom ninyo sila dahil sa pagiging boksingero  mo?

PDEA Director, USEC Jose Gutierrez, kung hindi niyo kayang hawakan ang mga tao riyan sa PDEA, mas maganda siguro kung magbitiw na lang kayo dahil hindi kayo effective riyan sa puwesto ninyo.

Dalawang mahalagang departamento riyan sa PDEA ang nababalewala dahil ang mga hepe ay hindi effective tulad nitong si  Magsino ng RO-NCR at Vangie Almenario , ang hepe naman ng PIO.

Kung ganito ang mga opisyal na  mamumuno sa mga departamento ng PDEA, mas mabuti nang tanggalin na lang ang mga ahensiyang ito.

Anong masasabi mo, USEC Gutierrez, sir?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply