‘Oplan Angry Bird’ inilunsad ng Laguna PNP

INILUNSAD na ngayon ng Laguna Provincial Police ang “Oplan Angry Bird” para tugisin ang iligal na droga, loose firearms at pagsawata sa mga wanted criminals sa lalawigan.

Ang Oplan Angry Bird” ay bilang paghahanda sa inaasahang pagtaas ng krimen ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan, kung kailan tumataas ang crime rate, di lang sa lalawigan bagkus sa buong bansa.

Madilim pa lang kanina, sinuyod na ng Laguna Police ang mga lugar na itinuturing na hotspots ng krimen tulad ng Sitio Pulong Candy, Barangay Cuyad sa San Pedro.

Ang mga lugar ang itinuturing na ancestral home ng bentahan ng illegal drugs sa bayan.

Bagama’t wala na ang kanilang pakay na hinihinalang drug pushers at nakakandado na umano ang pintuan, iimbitahan pa rin sa presinto ang anim na hinihinalang gumagamit at nagtutulak ng droga.

Narekober din ng PNP San Pedro sa lugar ang ilang paraphernalia na patunay na may nangyayaring gamitan at bentahan ng iligal na droga sa naturang lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply