Oplan Iwas Paputok ikinasa sa Maynila

IKINASA na ng pamahalaang lungsod ng Maynila kasama ang Department of Health (DOH) ang kanilang kampanya kontra paputok na kinapapalooban ng mga paraan upang maiwasan ang anumang aksidente sa pagpapatutok na naging bahagi na ng tradisyunal na pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay City Administrator Jesus Mari Marzan, pormal na ilulunsad sa Disyembre 6 ang “Aksyon: Paputok Injury Reduction”(APIR) o (Give me five) na naglalayong bigyan ng proteksiyon ang publiko sa pagpapaputok.

Sinabi pa ni Marzan na bahagi ng kanilang Oplan Iwas Paputok ang pagkakaroon lamang ng  itatalagang lugar kung saan maaaring magpaputok.

Ito’y upang maiwasan ang insidente ng sunog at disgrasya sa mga nagpapaputok lalo na young mga kinakategoryang illegal firecracker and pyrotechnics.

Pinaalalahanan din ni Marzan ang mga nagtitinda ng paputok na tanging ang Department of Trade and Industry lamang ang may karapatang magdetermina kung anong mga paputok ang dapat na ibenta sa merkado.

Giit pa ni Marzan,  mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga malalakas na paputok tulad ng bawang, pla-pla at five star, maging ang pagsusunog ng gulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply