Oral argument sa kaso ni GMA isasagawa ngayon

ISASAGAWA ngayong araw ang oral argument sa kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Korte Suprema.

Pag-uusapan sa gagawing oral argument ang constitutionality ng watchlist order (WLO) laban kay Arroyo.

Dadaluhan naman ang nasabing argumento ng mga legal giant ng dating Pangulo kung saan makakaharap nila ang Office of the Solicitor General (OSG).

Partikular na pagdedebatehan ng mga abogado ni Arroyo at OSG sa SC kung may nilabag sa karapatan ng dating Pangulo na ngayo’y Pampanga representative. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply