OSG hinaharang rin ang petisyon ni GMA sa SC

PINAHAHARANG na rin ng Office of the Solicitor General (OSG) ang petisyong inihain ng kampo ni dating Pangulong at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ukol sa pagpapagamot nito sa ibang bansa, sa pamamagitan ng paghahain ng mosyon na pigilin ang pagbiyahe ni Gng. Arroyo.

Maging ang pagkuwestiyon ni dating First Gentlemen Atty. Mike Arroyo sa Department of Justice (DOJ) Circular 41 ay tinututulan din ng OSG.

Humihingi rin ng isang oral argument ang OSG hinggil sa nasabing usapin.

Hinihintay pa rin sa ngayon ang desisyon ng Korte Suprema sa inihaing petisyon ng kampo ni Arroyo ukol sa pagpapagamot nito sa ibang bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply