OV-10 ng PAF makalilipad na ulit

MAKALILIPAD na muli ang 12 pang OV-10 ng Philippine Air Force (PAF) matapos i-ground dalawang linggo na ang nakalilipas.

Base sa tagapagsalita ng PAF na si Lieutenant Colonel Miguel Ernesto Ocol, base sa rekomendasyon ni 520th Air Base Wing Commander Rene Samonte, ay pinapayagan nang muling paliparin ang mga OV-10 matapos pumasa sa inspeksyon.

Itinuturing na isolated case lang ang pagbagsak ng isang OV-10 sa Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga City kamakailna kung saan nasugatan ang dalawang piloto.

Ani Ocol, maaari na ulit gamitin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga OV-10 sa kanilang mga operasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Maalalang hindi ginamit ang OV-10 sa kainitan ng operasyon ng AFP laban sa mga lawless element sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply