Overdue road projects pinabibilisan ng solon

NANAWAGAN ang isang kongresista sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa mga lokal na pamahalaan na pabilisin ang mga nakabinbing road repair at maintenance upang lumuwag ang daloy ng trapik sa pagdating ng Kapaskuhan.

“Alam naman ng lahat na kapag sumapit na ang Christmas season ay talagang bumibigat na talaga ang volume ng trapik sa mga pangunahing lansangan dahil busy na sa pamimili ang marami para sa kapaskuhan,” ayon kay Zambales Rep. Mitos Magsaysay.

Idinagdag ni Magsaysay na, “makakatulong nang malaki kung matapos na ang pagbubukas at pagbababakbak ng mga kalsada upang guminhawa naman ang daloy ng trapiko at mabawasan ang pagbabara sa mga kalsada,” aniya.

Sinabi ni Magsaysay na nakalulungkot at nakakainis na marami sa mga proyektong kasalukuyang ginagawa ng mga kontratista at utility firms ay overdue at sobra-sobra na sa panahon kaya’t dapat na itong patawan ng multa sa bawat araw na lumagpas sila sa schedule.

“Bawat araw na sumosobra sila sa nakatakdang schedule ay dagdag parusa sa libo-libong manggagawa na nauuubos ang oras dahil sa trapik. Ilang buwan na silang nagdurusa. Ang mga kontratista na ito ay nangako at nakipagkasundo na tatapusin ang mga proyekto sa isang tamang panahon at dapat ay tumupad sila dito,” aniya.

“Sana ay ito na lang ang gawin nating pamasko sa ating mga kakabayan. Simula nitong Christmas season ay bigyan natin sila ng aginaldo ng kumbinyenteng biyahe na walang trapik bunsod ng walang katapusang repair at maintenance n gating mga kalsada,” dagdag pa niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply