Overtime pay ng Customs employees sa Duty Free inalmahan

LABIS-LABIS na overtime pay ang tinanggap ng mga empleyado ng Bureau of Customs na nakatalaga sa Duty Free Philippines noong 2010, maliban pa sa allowances para sa empleyado ng gobyerno, ang natuklasan ng Commission on Audit.

Sa circular ng Department of Budget and Management (DBM) nakasaad na ang overtime pay ay hindi dapat lumampas sa 50% na taunang sahod ng isang empleyado, subalit nakita ng COA na ang overtime ng mga empleyado ng BOC ay lumampas sa hangganan.

Isang halimbawa ay ang duty collector sa Fiesta mall Store na may 1,944 oras ng trabaho noong 2010, subalit ang overtime niya ay 3,960 oras na nagkahalaga ng P328,680 na higit pa sa kalahati ng kanyang taunang basic na sahod na P534,924.

Isa namang BOC Police na nagtrabaho ng overtime ng 3,580 oras ay tumanggap ng overtime pay na P236,280 na higit pa sa taunang basic salary na P210.228.

Tumanggap din umano ang mga ito ng meal at transportation allowance, na hindi na nararapat dahil ang overtime ay mga transaksyon na sangkot ay mga duty free merchandise ng private concessionaires.

Sa kabuuan, ang mga kwestionableng pagbabayad ng mga overtime sa mga tauhan ng BOC ay nagkakahalaga ng P16.75 milyon.

Sinabi ng COA na dapat ay iatang sa mga private concessionaires at hindi ng pamahalaan ang ibang overtime pay ng mga tauhan kapag lumabis na sa itinakda ng circular.

Bunsod nito, ipatutupad ng Duty Free ang DBM circular na nagkukwenta ng overtime pay base sa actuwal na sahod at hindi ang customs administrative order na overtime pay na per oras base sa posisyon ng empleyado.
Natuklasan din sa circular ng BOC na pinapayagan na makolekta ng taga-customs ang mga meal at transportation allowances na hindi pinapayagan ng DBM.

Sinabi ng COA na ang Duty Free, bilang isang korporasyon ng pamahalaan ay dapat sundin ang DBM circular para sa mga overtime pay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply