P.13M natangay sa LBC kagabi

NATANGAYAN ng P130,000 ang isang sangay ng LBC matapos na looban ng dalawang ‘di nakilalang lalaki kagabi (Nobyembre 24) sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa pulisya, pasado alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang branch ng LBC sa may Magsaysay Blvd., panulukan ng Santol Ext. sa nasabing lugar.

Nauna rito, bago umano magsara ang nasabing remittance center ay nagpapasok umano si Linder Mista, customer associate ng LBC, ng mga padala mula sa isang van na nasa tapat ng naturang sangay nang bigla na lamang pumasok ang dalawang lalaki.

Nakasuot umano ng surgical mask at nakasumbrero ang mga suspek at may dalang baril.

Agad pinadapa ang tauhan ng LBC bago binuksan ang mga drawer kung saan nakuha ang nasabing halaga na kita at remittances.

Matapos malimas ang pera sa drawer ay saka umalis ang mga suspek at iniwan ang baril na ginamit sa panghoholdap.

Dito lamang napag-alaman na ang baril na ginamit ng mga suspek ay isa lamang palang toy gun.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply