P.5B para sa ABB pinabulaanan ng pamahalaan

MARIING pinabulaanan ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita “Ging” Deles ang balitang P.5 bilyon ang inilalaan ng Administrasyong Aquino para sa Alex Boncayao Brigade (ABB).

Sinabi ni Deles na ang sinasabing kalahating bilyong pisong pondo ang nakasulat sa orihinal na kasunduan sa ABB at ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Bahagi umano ng naturang pondo ay ginamit sa ilang proyekto sa pangunguna ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nilinaw din ni Deles na sa kasalukuyang administrasyon, P31 milyong pondo lamang ang kanilang inilalaan para sa livelihood at community assistance sa ABB kapalit ng pagbuwag ng kanilang grupo, pagsuko ng mga armas at pagbibigay sa pamahalaan ng listahan ng kanilang mga miyembro. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply