P1.8-T 2012 budget aprub na sa Senado

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang P1.816-trillion budget para sa susunod na taon.

Sa isinagawang botohan, 18 mga senador ang pumabor sa pagpasa ng House Bill 5023 o ang General Appropriations Bill of 2012.

Isa naman ang naghain ng negative vote at ito ay si Sen. Joker Arroyo.

Maalala na noong Oktubre pa naisumite ng House of Representatives sa mataas na kapulungan ang kanilang bersyon ng panukalang pambansang budget.

Noong nakaraang linggo, sinimulan sa plenaryo ng Senado ang debate.

Una na ring tiniyak ni Senate committee on finance chairman Sen. Franklin Drilon na tatapusin nila ang plenary debate ngayong linggo.

Sa pagtaya pa ng mambabatas, maari umanong gawin ang bicameral conference committee sa November 23 hanggang 28 para planstahin ang magka-ibang bersyon ng Senado at House of Representatives sa General Appropriations Act for 2012.

Bago aniya ang Christmas holidays, tiwala ang opisyal na maisusumite na ng Kongreso ang budget proposal sa Pangulong Benigno III para ito malagdaan at maisabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply