P1.8T 2012 national budget pinababantayan

DAPAT bantayan ng mamamayang Pilipino ang mahigit sa P1.8 trilyong national budget ng bansa para sa 2012.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat matiyak ng mamamayan na hindi maibubulsa ng mga tiwaling pinuno sa gobyerno ang naturang napakalaking budget.

Nauna rito, niratipikahan ng Senado ang pondo at ang hinihintay na lamang ay ang lagda ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon kay Santos, ang naturang pondo ay mula sa kaban ng bayan kung kaya dapat gamitin ito sa maayos at para sa kapakanan ng mamamayan.

Hindi aniya ito dapat sayangin at sa halip ay gamitin na lamang sa mga programang pakikinabangan ng mga mahihirap lalo na sa edukasyon at poverty alleviation.

Hinimok din nito ang pamahalaan na maging transparent sa paggastos ng naturang pondo.

“That money is the money of the people and we are accountable to the people regarding the use of that money and that money should be used for the well being and the welfare of the people. So, dapat we have to be transparent. The government should be transparent. We are ccountable to our expenses so dapat talagang ingatan, bantayan at talagang gamitin para sa kapakanan ng tao lalo na sa pagpapaangat sa kanilang buhay,” ayon kay Santos.

Hinimok rin ng Obispo ang publiko na tutulan ang paglalaan ng pamahalaan ng malaking pondo para ipambili ng contraceptives na hindi naman kailangan ng mga tao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply