P1.8T budget nakakasa na sa Senado

NAKAKASA na ngayong araw na ito sa plenaryo ng Senado ang P1.816 trillion General Appropriations Act para sa susunod na taon.

Ayon kay Senate Finance Committee Chair Sen. Franklin Drilon, target nilang matapos ang debate sa panukalang 2012 budget sa Nobyembre 18 at tuluyang aprubahan ito sa third and final reading sa Nobyembre 21.

Itinakda nman sa Nobyembre 23-28 ang bicameral conference para plantsahin ang bersyon ng Kamara sa panukalang budget para sa 2012.

Dahil dito, tiwala si Drilon na malalagdaan na ng Pangulong Benigno Aquino ang panukalang 2012 budget bago magpasko.

Una nang nagsagawa ng caucus ang mga senador para tutukan ang mabilis na pag- apruba sa pambansang budget. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply