P10 minimum fare sa dyip inihirit ng ACTO

DAHIL sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, inihihirit ngayon ng transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdang singil sa pasahe.

Sinabi ni Alliance of Concernced Transport Organization (ACTO) President Efren De Luna, pumalo na sa P45.05 ang presyo ng diesel kada litro kaya dapat na rin silang magtaas sa singil ng pasahe.

Mula sa P8 ay ihihirit ng grupo sa LTFRB na gawing P10 ang pamasahe sa mga pampasaherong dyip.

Giniit din ni De Luna, na hindi na rin kasi sapat ang kita ng mga tsuper dahil bukod sa mataas ang presyo ng produktong petrolyo ay mataas din ang mga pangunahing bilihin sa merkado.

Tiwala naman ang ACTO na maiintindihan sila ng taumbayan sa paghihirit ng dagdag-pasahe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply