P100-M ginastos sa mabahong kubeta

UMUBOS ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng may  P100 milyon para lamang maayos ang mga mapanghe at mabahong  comfort room sa mga pampublikong paaralan sa siyudad.

Base sa record na nakuha mula sa Manila City Engineering Office, sa loob lamang ng taong 2008 ay gumastos ang pamahalaang lungsod ng P53,597,000.00.

Habang para sa taong 2010 ay uubos ang city government ng humigit kumulang sa P 40,000,000.00 para lamang sa repair at rehabilitation ng mga palingkuran ng ilang public school.

Subalit nang hinggan ng paliwanag si Manila City Engineers Office chief Eng. Armand Andres ay sinabi nito na kulang na kulang pa ang nasabing pondo dahil sa dami ng pampublikong paaralan na matagal na napabayaan simula pa ng nakalipas na administrayon ni dating Mayor Lito Atienza.

Sa paliwanag ni Andres, salat ang ginugol sa pagkukumpuni at pagmamantina ng mga comfort room lalo na at kulang din ito kumpara sa dami ng mga mga aaral sa mga pampublikong paaralan.

Nabatid na ang nasabing halaga noong taong 2008 ay hinati sa anim na packages na kinapapalooban naman ng may 34 elementary at high school.

Habang sa taong 2010 ay may 18 public school ang ginugulan ng city government ng kulang sa P40 milyon para lamang sa repair.

Sinabi pa ni Andres, na kung bubusisiin umano ang halagang inilaan sa bawat school ay lumalabas na humigit kumulang sa P1,500,000.00  lamang ang average allocation ng city government  para sa repair or rehabilitation ng isang comfort room facilities para sa isang pampublikong paaralan.

Kumporme rin umano ito sa laki ng paaralan, dami ng mga estudyante at laki ng comfort room. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply