P10,000 bonus ibibigay bago mag-Disyembre 15

MALAKI ang posibilidad na maibibigay bago mag-Disyembre 15 kapag naaprubahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang P10,000 karagdagang bonus sa mga empleyado ng gobyerno ngayong kapaskuhan.

Una nang ipinanukala ni Budget Sec. Butch Abad na babaligtarin na lamang ng gobyerno ang buong P10,000 performance enhancement incentive (PEI) para sa bawat government worker dahil malaki naman ang kanilang savings.

Sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, opisyal na approval na lamang ng Pangulo ang kailangan bago ilabas ang nasabing P11.68 billion para sa 1.67 million state workers.

Ito umano ay bilang pagkilala na rin ng administrasyon sa sakripisyo ng mga manggagawa sa pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply