P100K sa magngunguso sa killer ng ama ni Charice Pempengco

MAGBIBIGAY ng P100,000 pabuya ang mga awtoridad sa sinumang makapagtuturo kay Angel Capili, suspek pamamaslang kay Ricky Pempengco, ama ni international singing sensation Charice Pempengco.

Ayon kay San Pedro, Laguna Police Col. Kirby Kraft, naglaan sila ng P100,000 bilang reward money para sa agarang ikalulutas ng kaso.

Teorya na pulisya na personal na galit ang motibo sa pagpatay sa ama ng international singer.

Lunes ng gabi ng pagsasaksakin hanggang mamatay ang ama ni Charice gamit ang icepick sa Laguna.

Kaugnay nito, dadating ngayong gabi sa bansa si Charice mula sa Singapore kung saan nakatakda sana siyang mag-perform sa isang konsiyerto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply