P192M inilaan ng DA sa mga magsasaka

INILAAN ng Department of Agriculture (DA) ang P192-million para sa community seed bank(CSB) at seed production program upang makapagtanim taon-taon ang mga magsasaka.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, bahagi ito ng national food staples sufficiency program para sa 2013.

Aniya, inilaan ang P42 milyon nito sa 2011 at karagdagang P150 milyon pa sa mga susunod na taon.

Sa P150 milyon, P100 milyon ang gagamitin sa pagsasaayos ng kasalukuyang storage facilities at mga warehouse.

Ani Alcala, ang dalawang kilo ng registered seeds ay inaasahang bubunga ng anim na 40-kilo bags ng certified seeds, na magagamit ng mga magsasaka sa apat na cropping seasons.

Gayunman, kailangang sumailalim sa training ang mga farmer-beneficiary upang malaman ang makabagong rice seed production.

Magbabayad din ang mga farmer-beneficiay ng seedings na gagawin namang buffer seed stock para sa iba pang farmer-beneficiaries.

Ang paraan ng pagbabayad ay 1.5 kilo ng certified seeds sa bawat isang kilo ng registered seeds na hihiramin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply