P2 dagdag pasahe sa jeep, ikinasa na sa LTFRB

PORMAL nang naisampa kanina ng transport groups ang petisyon na P2.00 dagdag na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa unang apat na kilometro at dagdag na P1.75 sa succeeding kilometers sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)

Kung aaprubahan ito ng LTFRB, ang kasalukuyang P8.00 na minimum pasahe sa pampasaherong jeep ay magiging P10.00 sa unang apat na kilometro at mula sa dating P1.40 ang succeeding kilometer ay magiging P1.75.

Ikinatwiran ni Efren de Luna, Pangulo ng ALlianced of Concerned Transport Organization (ACTO), naisampa na ang petition na maitaas ang singil pasahe sa jeep dahil nagtaas ulit ng  P1.90 kada litro sa diesel P0.65 sa premium at unleaded gasoline at P0.90 sa regular gasoline.

Aniya, panibagong pahirap na naman ito sa mga driver kaya dapat ay payagan na sila ng LTFRB na magtaas ng pamasahe upang mabawi ng mga driver ang nawawalang kita ng mga ito dahil sa patuloy at sunod-sunod na oil hike ng mga oil company.

Kasama sa nagsampa ng fare hike petition sina Rolando Marquez ng Liga ng Transportasyon sa Pilipinas, grupo ni Zeny Maranan, Pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Associaton of the Philippines (FEJODAP), at Boy Vargas  Pangulo ng Alliance of Transport Organization  of Drivers and Association of the Philippines gayundin si Obet Martin-Pangulo ng Pasang Masda.

Maliban sa naturang transport group, ayaw naman ng militanteng transport group na Pagkakaisa ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) sa fare hike petition dahil dagdag hirap na naman ito sa taumbayan.

Mainam anila na ituloy ang paggiit sa pamahalaan na ibasura ang Oil deregulation law na ugat ng patuloy na oil price hike gayundin ang 12 percent Vat sa langis.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Atty Manuel Iway, ang fare hike petition na naisampa ng naturang mga transport groups ay para lamang sa National Capital Region, Region 3 at 4.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply