P20-M ransom hingi ng kidnappers ng negosyanteng dinukot sa Zamboanga

INIIMBESTIGAHAN pa ng pulisya ang report na nasa Zamboanga Sibugay province na ngayon ang kidnap victim na si Monalisa Kapa, ang negosyanteng dinukot noong nakaraang buwan sa Zamboanga Del Sur.

Ayon kay Zambaonga Del Sur police provincial director S/Supt. Jose Bayani Gucela, ang impormasyon na ito ay base sa intelligence report na natanggap ng kanyang opisina kamakailan kung saan humihingi rin umano ng halagang P20 million ang mga kidnappers sa pamilya ng biktima kapalit ng kalayaan nito.

Sinabi ni Gucela, nakikipag-ugnayan na rin sila ngayon sa mga kamag-anak ng biktima habang patuloy ang pagkalap nila ng mga importanteng detalye kaugnay ng kinalalagyan ngayon ng biktima.

Si Kapa ay dinukot ng hindi bababa sa 10 mga armadong kalalakihan at pinasakay sa motorized banca patungo sa isla ng Olutanga noong Oktubre 8 ng gabi.

Agad ding nagsagawa ng pagpupulong ang Pitogo Municipal Peace and Order Counsil (MPOC) ngunit hanggang ngayon bigo ang otoridad na ma-rescue ang binihag na 30-anyos na negosyante.

Samantala, umapela ang opisyal sa mga residente sa kanyang nasasakupan na makipagtulungan sa awtoridad at manatiling nakaalerto para mapigilan ang mga masasamang loob.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply